Ang Malaya
Taon XXXVI blg.II MHPHS Dis.2000-Peb.2001

MHPHS RONDALLA, OUTSTANDING PERFORMER SA 2000 NAMCYA MUSIC FESTIVAL

Natamo ng MHPHS Rondalla and titulong Most Outstanding Performer sa ginanap na Samiweng 2000 National Music Festival noong Nobyemre 27-Disyembre 2 sa Laoag City, Ilocos Norte.
Kinatawan ng MHPHS Rondalla ang Region III sa naganap na festival na nilahukan ng 50 grupong may ibat ibang talento.
Ang nasabing festival na nilahukan ng 32 mag-aaral mula sa MHPHS, sa pamumuno ni G. Marquez Cartel, tagapayo ng MHPHS Music family Rondalla ay may temang “Kabataan, Musika, Tulay sa Kinabukasan.”
Sinuportahan din nina Dr. Violeta Villanueva, ES II-Music, Gng. Marina de Guzman, ES-I Music at Bb. Rosalina Santos, punong guro ng MHPHS, ang nasabing rondalya sa paglahok sa nasabing festival. Ang festival ay kinatatampukan ng ibat ibang grupo buhat sa iabt ibang panig ng bansa na nagtanghal ng kani-kanilang musika gamit ang ibat ibang instrumento at talento.

ABRIL 2, GINAWANG PAMBANSANG SELEBRASYON

Bilang pagkilala, ginawang Pambansang Selebrasyon ang Abril 2, buwan at araw ng kapanganakan ni Francisco Blatazar bilang isang mahusay na Pilipinong makata at mambabalagtas mula sa Pnginay, Bulacan, Bulacan (dating Bigaa, Bulacan) na ipinanganak noong Abril 2, 1788.
Ang pagdiriwang ay isasagawa na taon-taon simila ngayong Abril 2.

APAT NA GURO, NAGRETIRO SA MHPHS

Nagretiro na ang mga gurong sina Gng. Teofista A. Castro noong Setyembre 23, Gng. Lourdes M. Madlang-Awa, noong Hunyo 2000 mula sa Kagawaran ng Ingles, Gng. Mila Correa na nagtungo naman ng ibang bansa, mula sa Kagawaran ng Matematika at G. Rosauro Lumbad ng Business Arts.
Ang naturang mga retirees ay pawang mahuhusay na guro ng paaralang ito at nagpakita ng malasakit at matapat na paglilingkod sa mahabang panahon.

72 MEDALYA, NAKUHA NG MHPHS SA PROVINCIAL MEET

Humakot ng mga medalya ang mga manlalaro ng MHPHS sa ginanap na taunang Provincial Atheltic Meet noong Distembre 5-8, 2000 sa Bulacan Sports Complex.
Naging mainit at kapanapanabik ang mga labanan na sinabayan pa ng kainitan ng araw sa pagitan ng mga atletang kalahok sa bawat dibisyon.
Hindi nagpahuli at nagpatalo ang MHPHS sa nasabing timpalak at sa katunayan nga ay naguwi ito ng 72 medalya, 22 ginto, 35 na pilak at 15 tanso. Nanguna sa pagtatamo ng pinakamaraming medalya ay nanggaling sa gymnastics, swimming, basketaball, taekwondo, badminton, softball, at maging ang football. Ang mga nagwagi ay kakatawan sa Bulacan sa Central Luzon Regional Atheltic Association o CLRAA sa 2001 na gaganapin sa Pampanga.

HOME | ABOUT US | CONTACT US | HELP | EVENTS | NEWSLETTER
DIRECTORY | GUESTBOOK | BULLETIN / FORUM | PHOTO GALLERY | LINKS

© Copyright 2001, MHPHS Class '85 Alumni & Friends, www.mhphs.com
CLICK HERE to eMail the webmaster.